Alamat ng Imahen ni San Agustin
ni Mariano S. Montano
Ang Imahen ni San Agustin na pinagdarayo ng maraming deboto tuwing buwan ng Agosto sa Tanza ay may mahimalang Kasaysayan. Bagama’t ito’y hindi nakapag-ingat ng tuyak na kasulatan, ang bawat puso ng mga taga-rito ay siyang kinatitikan ng gintong talata ng kaniyang kasaysayan.
Humigit kumulang noong ikalabing-walong siglo (1795-1800) sa kapatagan malapit sa Banadero (Rio Obispo) sakop ng Amaya ay may isang magsasaka na nagsimulang magkaingin at sinunog ang damong kugon. Kaagad kumalat ang apoy at bagamat malapad na ang nasusunog ay may nakitang isang pulo sa kalagitnaan na hindi pa natutupok. Noong kaniyang siyasatin ay natambad sa kaniyang paningin ang imahen ni San Agustin. Kinuha niya ito at dinala sa pinakamalapit na kubo. Ipinagbigay alam niya ito sa Kapitan Munisipal na si Fabian Ignacio na siyang nagpadala nito sa kabayanan. Ito ay inilagay sa isang sulok malapit sa hagdanan ng tribunal (munisipyo). Dahil sa hindi kapansin-pansin ang anyo ng imahen ay malimit itong pagtalian ng kabayo. Isang gabi ay napanaginipan ng paring nakatalga rito, si Padre Narciso Manas (1780-1817) si San Agustin at iminumungkahi sa kaniya na dalhin ang larawan niya sa malapit na tuklong (simbahan). Kinabukasan kaagad niya itong ipinakuha at inilagay sa tuklong.
Noong panahon ni Padre Jose Diocno (1817-1819) sa hangad na maipaayos ang imahen ay ipina-enarna niya ito. Ngunit noong ito’y nililinis sa ilat ng bitin ay lumaki ang tubig at bumilis ang agos, bagamat noo’y tag-araw biglang naanod ang imaheng nililinis at nakitang ito’y parang naglalakad sa tubig. Kaagad ipinaahon ng pari ang imahen at ang tubig ay kumati.
Noong panahon ni Padre Juan Mendoza (1826-1833) ay nagsimula ang paglaganap ng mga kababalaghang nagaganap sa imaheng ito. Isa sa mga pangyayaring hindi malilimutan dito ay nang pabirong sabihin ng Sakristan Mayor na si Gregorio (lolo ng Ama ni Melaquiades) na bakit ayaw pang magpaahit si San Agustin gayong malapit na ang kaniyang kapistahan. Noong siya’y bumaba mula sa altar ay hindi na siya nakalalakad at parang nabaon ang kaniyang mga paa sa baldosa, at kung hindi nanalangin ang pari ay baka hindi na siya nakaahon sa kaniyang kinatatayuan.
Maraming nagpapatotoo na kapag malapit na ang kapistahan ni San Agustin ay may matandang nagpapalimos sa mga baying bulubundukin gaya ng Indang, Mendez at Alfonso. Ang nasabing matanda ay nag-aanyaya na sila ay dumalo sa pista ng Tanza at pumunta sa kaniyang bahay malapit sa simbahan. Sa pagsimba ng mga taong nalapitan niya ay saka pa lamang namumukhaan na ito ang kahawig nang matandang nagpalimos sa kanila.
Kung sino at kalian dinala sa Tanza, Cavite ang larawang ito ni San Agustin ay walang tiyak na makapagpapatunay. Ipinalalagay na ito ay dala ng mga paring Agustino na nagtatayo ng Hacienda upang magpalayan, sa kapatagan malapit sa Rio Obispo (Rodobispo).
Simula noong mapabantog ang mga kababalaghang nangyayari dito ay marami sa kaniyang mga deboto ang humihingi ng tulong lalo na kung ang palayan ay sinisira ng mga peste, hindi kaya umuulan o sumasapit ang tagtuyo.