Noon ay taong seventeen ninety-five Mahigit dalawang daang taon na ang nakalilipas Patrong si San Agustin amang nililiyag Sa bayan ng Tanza patnubay niya’y ganap.
At sa baying ito mga mamamayan Dinadalaw lagi siya sa simbahan Sa maghapong araw ay binabantayan Ang pinaaabot dalangin at dasal.
Sa tuwing darating buwan ng Agosto Ay ipinagdiriwang kapistahan nito Libong mga tao dito’y dumarayo Pinanggagalingan iba’t-ibang dako.
Ang namamanatay lubos paniniwala Sa milagro nito at mga himala Ang mga may sakit hingi nila’y awa Kung tapat ang samo agad mawawala.
Pagkat sadyang batid ng mga deboto Ang bisa nitong mahiwagang santo Kailangan lamang paniniwala mo Ay bukal sa loob at taos sa puso.
Itong aming bayan muling tangkilikin Mahal naming patron na si Tata Usteng Walang kalamidad pagkat gagapiin Bagyo, sunog, krimen ay sasansalain.
Sa iyo Tata Usteng, patrong minamahal Ang bayan ng Tanza’y huwag pabayaan Ang pagbabasbas mo’y igawad sa tanan Sumaamin nawa ang kapayapaan.