Ika-Anim na Araw
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ika-Anim Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
Panginoon, nagsusumamo ako sa Iyo… sumilang nawa ang katotohanan mula sa daigdig at manaog ang katarungan mula sa kalangitan… Ibahagi nawa namin ang aming pagkain sa mga nagugutom at patuluyin ang mga nangangailangan at walang masilungan sa aming tahanan. Damitan nawa namin ang mga hubad, at huwag lapastanganin ang aming kapwa. Sa sandaling mangyari ang ganitong gawain sa daigdig, anong buti nito. Itulot Mong magningas ang ilaw namin na panandalian lamang. At sa pagdaan namin sa ganitong uri ng pagkilos tungo sa kaligayahan ng pagninilay sa Iyo, at makamit ang salita ng buhay mula sa langit, magsilbi nawa kaming mga tanglaw sa daigdig na humahawak sa katotohanan ng Iyong Salita. Siya nawa.