Ikalawang Araw
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ikalawang Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
Panginoong Hesus, itulot Mong makilala ko ang aking sarili, itulot Mong makilala Kita at walang hangarin kung hindi Ikaw lamang. Loobin Mong kamuhian ko ang aking sarili upang mahalin Ka, at gawin ang lahat ng bagay alang-alang sa Iyo. Pakaabahin ko nawa ang aking sarili at ikaw ang aking itanghal, at walang isipin kundi Ikaw. Loobin Mong mamatay ako sa aking sarili upang mabuhay sa Iyo, at tanggapin ang lahat ng mga nangyayari bilang kaloob Mo. Loobin Mong limutin ko ang aking sarili at lumakad sa likuran Mo, at laging magnasang sumunod sa Iyo. Siya nawa.