Ika-Siyam na Araw
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ika-Siyam Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
O Panginoon naming Diyos, sumasampalataya ako sa Iyo, Ama, Anak, at Espiritu Santo… Sa abot ng aking makakaya at sa pagkakaloob Mo sa akin ng kapangyarihan ay hinahanap Kita. Nagpagal ako at nagsumikap. O Panginoon kong Diyos, tangi kong pag-asa, tulungan Mo akong sumampalataya at huwag tumigil sa paghahanap sa Iyo. Loobin Mong lagi na masigasig kong hanapin ang Iyong mukha. Dulutan Mo ako ng lakas upang hangarin Ka, sapagkat tinutulungan Mo akong matagpuan Ka at pinagkalooban Mo ako ng malaking pag-asa upang ikaw ay matagpuan.
Narito ako sa Iyong harapan, taglay ang aking katatagan at ang aking kahinaan. Pag-ingatan Mo ang una at paghilumin ang pangalawa. Narito ako sa Iyong harapan taglay ang aking lakas at kamangmangan. Kung saan Mo binuksan ang pinto para sa akin, papasukin Mo ako; kung saan Mo ipininid, buksan Mo sa aking pagmamakaawa, loobon Mong alalahanin Kita, maunawaan at mahalin. Siya nawa.

Awit
AGUSTIN, AMING PATNUBAY
Agustin, aming patnubay,
Lantay ang ‘yong karunungan,
Bantog ang ‘yong kabanalan,
Na s’yang dapat na tularan.
Dahil sa ‘yong kapangyarihan,
Pinupuri ka’t dinarangal.
Mithiin nami’y ‘yong pakinggan!
Kami ay ay laging damayan!
Kagalang-galang, sa mundo’y di mapantayan;
Nagpakasakit alang-alang kay Hesus na mahal.
Agusting hirang, ika’y paglilingkuran;
Pag-ibig namin sa’yo magpasawalang-hanggan!

Litanya kay San Agustin
Pangwakas na Panalangin
Panalangin para sa Pagtatapos ng Nobena
Makapangyarihan at mahabaging Diyos, lubos kaming nagpupuri at nagpapasalamat sa Iyo sa mga dakilang pangyayari na ginagawa Mo sa Kasaysayan ng Iyong simbahan. Sa paghirang at pagtawag Mo sa mga taong mangangasiwa sa Iyong Sambayanan at magpapatunay ng Iyong pananatili sa daigdig. Pinasasalamatan Ka namin sa paghirang Mo sa aming Tagapagtangkilik na si San Agustin, sa ginawa Mong pagbabago sa kanyang kalooban at pamumuhay bilang Iyong pagtugon sa mga pagsusumamo ng kanyang inang si Sta. Monica.
Gayundin, maraming salamat, Ama sa patuloy Mong pagtawag sa amin tungo sa pagbabago at sa pagbibigay Mo sa amin ng sapat na lakas at biyaya upang maisakatuparan ang hinahangad naming pagbabago sa aming buhay. Nananalig kami sa Iyo na sa pagpaparangal namin kay San Agustin ay matularan namin siya sa kanyang panalangin lalo’t higit ng Iyong biyaya, kami ay sasapit sa ganap na pakikipamuhay sa Iyo. Maraming salamat po, Panginoon. Amen.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Pangwakas na Awit
HUMIHILING
O Dakilang San Agustin,
O Patron naming maawain,
Bayan ng Tanza,
Iyo sanang paunlarin;
Ang mga may karamdaman,
Lubusan Mong pagalingin;
Nagdurusa’y paligayahin,
Humihingi, iyong dinggin!
Napagtatangkilik, tangkilikin;
Humihiling, bigyang pansin;
Kaming dumaraing, pagyamanin;
Kapag dumidilim, paningningin.
O Dakilang San Agustin,
O Patron naming maawain,
Bayan ng Tanza,
Iyo sanang paunlarin!
O Patron naming maawain,
Bayan ng Tanza,
Iyo sanang paunlarin;
Ang mga may karamdaman,
Lubusan Mong pagalingin;
Nagdurusa’y paligayahin,
Humihingi, iyong dinggin!
Napagtatangkilik, tangkilikin;
Humihiling, bigyang pansin;
Kaming dumaraing, pagyamanin;
Kapag dumidilim, paningningin.
O Dakilang San Agustin,
O Patron naming maawain,
Bayan ng Tanza,
Iyo sanang paunlarin!