Ika-Pitong na Araw
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ika-Pitong Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
O Panginoong aking Diyos, pakinggan Mo ang aking panalangin at sa Iyong habag, magiliw Mong dinggin ang aking hinahangad, sapagkat nag-alab ito hindi lamang para sa aking sarili kundi alang-alang din sa kapakanan ng aking kapwa. Nakikita Mo ito sa aking puso. Ihahandog ko sa Iyo ang paglilingkod ng aking diwa at dila; ipagkaloob Mo sa akin ang anumang maiaalay ko sa Iyo. Sapagkat “ako ay salat at mahirap,” at “Ikaw ay sagana sa lahat ng tumatawag sa Iyo,” Ikaw na Malaya sa mga alalahanin, ay nangangalaga sa amin. Sa lahat ng kapalaluan at kasinungalingan, ilayo Mo ang aking mga labi. Ang Iyo nawang Banal na Kasulatan ang maging dalisay kong kasiyahan. Huwag nawa akong mahulog sa pagkakamali sa pagbasa nito, huwag ko nawang ilihis ang iba sa maling paggamit nito. Siya nawa.