Pagsisiyam kay San Agustin
Pambungad na Awit
DAKILANG SAN AGUSTIN
Dakilang San Agustin,
May pusong maawain,
Tanglaw ka ngang maningning.
Bayan namin puso sa iyo’y hain.
Kami ay nagdarasal,
Buong pusong nananalangin:
Pagmamahal mo’t pag-ibig,
San Agustin, nais naming kamtin!
Kami’y ipagsanggalang
Sa tukso at kasamaan.
San Agustin naming mahal
Huwag sana kaming pababayaan.
May pusong maawain,
Tanglaw ka ngang maningning.
Bayan namin puso sa iyo’y hain.
Kami ay nagdarasal,
Buong pusong nananalangin:
Pagmamahal mo’t pag-ibig,
San Agustin, nais naming kamtin!
Kami’y ipagsanggalang
Sa tukso at kasamaan.
San Agustin naming mahal
Huwag sana kaming pababayaan.
Pambungad na Panalangin
Panginoon, Diyos ng walang hanggang karunungan, hinirang Mo ang Tagapagtangkilik naming si San Agustin upang gamitin sa pagpapahayag ng mga katotohanan ng aming pananampalataya. Sa kanyang mga isinulat ay nahahayag ang mga katotohanan tungkol sa Iyo, kung ano ang patutunguhan namin at kung ano ang dapat naming maging tugon sa Iyo. Itinanghal namin siyang Pantas ng simbahan sapagkat ang kanyang mga aral ay magpapatatag sa pananampalatayang Kristiyano at nagpapalinaw sa buhay namin bilang Iyong mga nilikha at anak. Itinuturo niya na kami ay nauukol lamang sa Iyo at sa iyo dapat na isuko at italaga ang aming sarili sapagkat hindi mapapanatag ang aming kalooban kung hindi kami sasandig sa iyo.
Kaya ama, sa aming pagpaparangal kay San Agustin, kami ay lumalapit sa Iyo upang humingi ng kapatawaran sa mga pagkakataong kami ay nagkasala, lumihis ng landas ng kabanalan, namumuhay sa kalayawan at pinawalang-halaga ang mga itinuturo ng aming pananampalataya. Tulad ng ginagawa Mo kay San Agustin, patuloy mo nawa kaming tawagin tungo sa pagbabagong-buhay at mag-alab nawa ang aming puso sa pag-ibig sa Iyo at sa paglilingkod sa Iyong Sambayanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen.

Panalangin kay San Agustin
Minamahal naming San Agustin, taglay ang lubos na pananalig at pagtawag sa Diyos Ama na pinagbubuhatan ng lahat ng pagka-Ama sa lupa, kami ay napaaampon sa iyo bilang isang ama. Dala ng mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan ng aming bayan sa iyo at sa iyong pagtugon sa aming mga kahilingan na nagpapahayag ng iyong maka-amang pagtangkilik, ikaw ay naging malapit sa amin. Ito rin ay nagmula sa iyong kabantugan sa pangangasiwa bilang Obispo sa Sambayanan ng Diyos, inalagaan mo ang noon ay munti pa at lumalaking Simbahan sa pagbibigay linaw sa kanyang mga aral kaya ikaw ay tinagurian bilang isa sa mga ama ng Simbahan.
Ngayon, aming ama, patuloy mong ipamalas ang iyong maka-amang pangangalaga sa amin. Ang iyo nawang pagpapamalas na ito ay maghatid sa aming pagkilala sa Diyos Ama na Maylalang sa ating lahat at tunay na pinagmumulan ng bawat biyayang ipinakikiusap namin sa iyo. Idalangin mo sa Diyos na makamit namin sa buhay na ito ang mga kinakailangan namin lalung-lalo na ang kahilingang ito. (Ilahad ang kahilingan). Pagkalooban nawa kami ng Diyos ng banal na karunungan na patuloy na magsasaliksik sa kanya at sa kanyang kalooban upang si Kristo ang Katotohanan at Karunungan ng Diyos ay maghari sa amin ngayon at magpakailanman. Amen.

Panalangin para sa Unang Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
Dakila ka, O Panginoon, at karapat-dapat na purihin, dakila ang iyong kapangyarihan at walang hanggan ang Iyong karunungan. Ang tao na bahagi ng Iyong sangnilikha ay nagnanais na Ikaw ay papurihan, ang tao na nagtataglay sa sarili ng tanda ng kanyang kasalanan at patunay na nilalayuan mo ang mga palalo. Gayunpaman, sa kabila nito, ang tao ang bahaging ito ng Iyong sangnilikha, ay nagnanasang magpuri sa Iyo. Pinag-aalab Mo siya upang malugod na makapagpuri sa iyo, sapagkat nilikha Mo kami para sa Iyo at ang puso namin ay walang kapanatagan hanggang hindi tumatahan sa Iyo. Siya nawa.
Litanya kay San Agustin
Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.
Diyos Ama sa langit, kaawaan mo kami.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, kaawaan mo kami.
Diyos Espiritu Santo, kaawaan mo kami.
Banal na Santatlo, tatlong Persona sa iisang Diyos, kaawaan mo kami.
Banal na Amang Agustin, *ipanalangin mo kami.
San Agustin, huwaran ng mga nagsisising kaluluwa, *
San Agustin, anak ng mga luha ni Sta. Monica, *
San Agustin, liwanag ng mga tagapagturo, *
San Agustin, tagapuksa ng maling-aral, *
San Agustin, bantog na tagapagtanggol laban sa kaaway ng simbahan, *
San Agustin, haligi ng tunay na pananampalataya, *
San Agustin, sisidlan ng Banal na Karunungan, *
San Agustin, gabay sa pamamatnugot ng buhay paglilingkod, *
San Agustin, na ang puso ay pinag-aalab ng apoy ng pag-ibig ng Diyos, *
San Agustin, mapagkumbaba at maawaing ama, *
San Agustin, masigasig na tagapagpahayag ng Salita ng Diyos, *
San Agustin, natatanging tagapagpaliwanag ng Banal na Kasulatan, *
San Agustin, dangal ng mga Obispo, *
San Agustin, tanglaw ng tunay na pananampalataya, *
San Agustin, marangal na tagapagtanggol ng Santa Iglesia, *
San Agustin, liwanag mula sa kaluwalhatian ng Diyos, *
San Agustin, namumukadkad na punong Olibo sa Tahanan ng Diyos, *
San Agustin, masugid na mananamba ng Banal na Santatlo, *
San Agustin, di masaid na bukal ng mahusay na Kristiyanong pananalita, *
San Agustin, maningning na salamin ng kabanalan, *
San Agustin, huwaran ng lahat ng kabutihan, *
San Agustin, mapang-aliw sa mga namimighati, *
San Agustin, mapagbigay ginhawa sa mga naulila, *
San Agustin, kaibigan at kaagapay ng mga dukha, *
San Agustin, Aming Ama, *
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
iligtas mo kami, Panginoon.

pakapakinggan mo kami, Panginoon.

kaawaan mo kami, Panginoon.

Manalangin Tayo
O Diyos, isiniwalat mo kay San Agustin ang mga natatagong hiwaga ng iyong karunungan at pinag-alab Mo sa kanyang puso ang maka-Diyos na pag-ibig, sa gayon pinanibago Mo sa Iyong simbahan ang haligi ng ulap at apoy. Magiliw Mong ipagkaloob, na kami ay iligtas na makalampas sa mga pagsubok sa daigdig na ito at makarating sa buhay na walang hanggan na ipinangako Mo sa amin. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pangwakas na Panalangin
Ama naming mapagmahal, pinupuri ka namin at ipinagdarangal sa iyong walang hanggang karunungan na laganap at nababanaag sa buong sanlibutan. Sa bawat bagay at buhay na nilikha nakikita ang mga tanda ng karunungan at panukala ng kanilang Manlilikha. Ito, Panginoon, ang katotohanang sinasaliksik at natagpuan ni San Agustin. Hindi Mo pinatigil ang kanyang puso at isip sa paghahanap ng kanyang pinagmulan. Gayundin ang ginagawa Mo ay ipinadarama sa bawat tao, ang hindi manatili sa mga bagay na Iyong nilikha upang hanapin namin ang higit at tunay na bukal ng kaligayahan, na kami ay hindi nauukol para sa daigdig na ito, sa mga lumilipas na bagay rito. “Sapagkat nilikha mo kami para sa iyo at ang puso namin ay walang kapanatagan hanggang hindi tumatahan sa Iyo.”
Kaya, Panginoon, lubos kaming nagpapasalamat sa iyo sa biyayang ipinunla mo sa puso ng aming Tagapagtangkilik na si San Agustin at sa karunungang ibinigay Mo sa kanya. Katulad niya, sa Iyo nawa namin matagpuan ang katiwasayan ng aming puso. Itulot Mong huwag mapayapa ang aming sarili kung kami ay mapawalay sa Iyo. Kaisa ni San Agustin, sama-sama nawa kaming maghanap tuwina sa Iyo, makamit ang mga biyayang kailangan namin at mabatid ang Iyong kalooban para sa bawat isa sa amin at sa aming bayan. Alang-alang kay Hesu-Kristo na tangi naming Tagapamagitan sa Iyo kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.
Ipanalangin mo kami. O mahal na San Agustin.
Upang laging mag-alab ang aming puso sa Diyos at madama ang Kanyang pananahan sa amin.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.