Ikaapat na Araw
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ikaapat Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
Ipagkaloob mo ang Iyong sarili sa akin, O Diyos. Ibalik na muli ang Iyong sarili sa akin. Iniibig Kita, at kung ito ay kulang pa, bayaan Mong ibigin Kita ng lalo at higit. Hindi ko kayang sukatin na alamin kung gaano ang kulang na pag-ibig upang ang aking buhay ay tumalima sa Iyong pagkandili sa halip na lumayo, hanggang maitago sa likod ng Iyong mukha. Ito lamang ang aking nababatid, na sa sandaling mawalay ako sa Iyo, ito ay magdudulot ng masama sa akin, hindi lamang sa aking kapaligiran kundi gayon din sa loob ng aking pagkatao, at para sa akin ang lahat ng kasaganaan ay kakulangan kung Ikaw ay wala. Siya nawa.