Kasaysayan ni San Agustin
Si San Agustin ang pinaka-dakilang Ama ng simbahan, isa sa mga dakilang henyo ng sangkatauhan, na ang impluwensiya ay patuloy na pinakikinabangan ng daigdig hindi lamang sa larangan ng pananampalataya, kundi gayon din sa pilosopiya, panlipunan (social) at pulitikal na kamulatan. Kaya siya ay kabuuan ng isang masaganang pagkatao (profound personality): bilang isang dalubhasa sa pilosopiya at teknolohiya, makata, mananalumpati, manunulat, isang batikan sa larangan ng pakikipagtalo at balitaktakan (polemicist) sa pagtatanggol sa tunay na kaalaman, ito ay ginamit niya sa pagtanggol sa “Turo ng Simbahan: kakaiba at paghihiwalay sa simbahan (schismatic) at mga sanhi ng maling kaalaman (heretics)”. Siya ay humantong sa mataas na antas ng pagsulong sa larangan ng Espirituwalidad (Mystic) at higit sa lahat, siya ay isang masunuring alagad ng Panginoon. Nasumpungan sa kanya ang kabuuan ng kaalamang Kristiyano (synthesis of Christian thought) at naging mahalagang batayan ng kaalamang kanluranin (Western thought).
Kapanganakan Hanggang sa Pagbabalik-loob
(From his birth to his conversion 354-386)
Isinilang noong ika-13 ng Nobyembre 354, sa Tagaste isang bayan sa Humidia sa Kahilagaang Africa (ngayon ay Hilagang Silangan ng Algeria). Si Aurelius Augustinus ay anak ni Patricius, isang pagano, sumasamba sa diyus-diyosan at may marahas na pag-uugali, na nanungkulan bilang isang opisyales ng bayan. Ngunit dahil sa halimbawa ng pamumuhay ni Sta. Monica na kaniyang asawa at sa tulong ng kaniyang pagpupunyagi sa pananalangin siya ay naging binyagang Kristiyano bago mamatay noong taong 371.
Si Sta. Monica ang unang guro ng batang si Agustin, na nagturo sa kaniya ng pananampalatayang Kristiyano at pananalangin. Nagkaroon siya ng karamdaman kaya maaga siyang isinama sa mga naghahanda (catechumens) sa pagtanggap ng sakramento ng binyag, ngunit bumuti siya kaya hindi na siya bininyagan (Kaugalian ng simbahan noong panahong iyon na ang tatanggap ng sakramento ng binyag ay may sapat ng pag-iisip at pananagutan). “Kaya ako’y ipinasok sa paaralan upang matuto, na para sa isang bata ay walang katuturan. Kaya kung ako ay nagpapabaya tinatanggap ko ang hagupit…” at sa katapusan ay pinasasalamatan ni Agustin ang Diyos at binigyan siya ng mga tao na pinilit siyang matuto at kaniya ngayong pinakikinabangan. Sabi pa niya “ako’y pinarurusahan sa paglalaro kung hindi ako nag-aaral.”
Pagkatapos sa pag-aaral sa Tagaste, siya ay nag-aral din sa Madaura at noong magtatapos ang taong 370 at sa pasimula ng kaniyang ika-17 taong gulang, siya ay nagtungo sa Cartago, upang sumulong sa kahusayan sa larangan ng pagtatalumpati (rhetoric). Kaya sa kaniyang pagpupunyagi ay kalakip ang ambisyon at kalayawan sa buhay at nakikiisa sa mga taong panit ang pamumuhay, nakisama sa isang babae na sinabi niya, na siya ay naging matapat hanggang sa paghihiwalay nila sa Milan noong 385. At naging anak nga nila si Adeodatus noong taong 372 at namatay sa pagitan ng taong 389 at 391.
Dahil sa ipinunla ng kaniyang ina, si Agustin ay patuloy na naging Kristiyano sa puso, kahit na itinatuwa niya ito noong siya ay 19 na taong gulang. At ang mga taong 373 hanggang 386 ay ang panahon ng kaniyang paghahanap, pagtatanong at pagkalito. Binasa niya ang mga banal na sulatin, na sinabi niyang masyadong simple ang pagkakasulat. Kaya noong 374 siya ay umanib sa mga Mancheseans (naniniwala na may dalawang magkapantay na kapangyarihan). Ang Diyos ang pinagmumulan ng kasamaan. Siya ay umanib dito sa pag-aakalang magkakaroon ng kasiyahan ang kaniyang pag-iisip ngunit noong taong 383, nakatagpo niya ang maestro ng Manichean na si Fautus ng Milenis at sa kanilang prinsipyo mismo (Inconsistency of Manichaeism) siya ay tumiwalag at naging wala munang pinanghahawakan kundi ang kaalaman muna (skepticism).

Ang Pagbabalik-loob Hanggang Maging Obispo
(From his conversion to his Episcopate 386-395)
Siyam na taon si Agustin sa kaniyang paaralan ng retorika at gramatika sa Tagaste at Carthago, habang ang kaniyang ina, si Sta. Monica ay walang sawa sa pagpupunyaging nananalangin para sa kaniyang pagbabalik-loob. At ang kalooban nga ng ina ay pinalakas ng sabihin ng Banal na Obispo, “ang inianak sa pamamagitan ng maraming luha ay hindi maglalaho”. Matapos nga ang panahon ay walang kasiyahan at pagkabigo sa inaasahang magbibigay ng tunay na kasiyahan ng kaniyang isip at kalooban, sa gurong si Faustus ng Manicheon. Siya ay palihim na nagtungo sa Roma lingid sa kaalaman ng kaniyang ina, sapagkat siya pipigilan nito. Siya ay nagbukas na muli ng paaralan ng retorika, ngunit ang mga mag-aaral ay palipat-lipat ng paaralan, para madaya sa pagbabayad kaya isinara ni Agustin ang nasabing paaralan at nagtungo sa Milan. Sa Milan ay maganda ang pagtanggap sa kaniya at binigyan siya ng pitagan ng Obispong si San Ambrosio. Kaya’t si Agustin ay naghangad na makilala ang Obispo hindi bilang Ama ng pananampalataya, kung hindi bilang isang tao na kilalang marunong at kagalang-galang. Kaya lagi siyang nakikinig ng sermon ng Obispo at siya ay nasisiyahan, dahil sa kahusayan sa pagsasalita. Matalino ang nilalaman kaysa sa sinasabi ni Faustus. At ito ay unti-unting tumimo sa kaniyang puso at marahan na natanim sa kaniyang isipan at kalakip nito, binabasa niya ang mga gawa ni Plato at Plotinus: “Si Plato ang nagbigay sa akin ng kaalaman tungkol sa tunay na Diyos, at si Hesukristo ang nagturo sa akin ng daan.” Sumunod si Sta. Monica sa Milan sa pag-aakalang kasal na ang anak na si Agustin, ngunit umalis ang babae at nagbalik sa Africa at iniwan si Adeodatus, ito ang wakas ng pagsasama ni Agustin sa kinakasamang babae. Kaya lalong tumindi ang pagtutunggali ng pangkaluluwang (spiritual moral) kalooban at pangkaalaman (intellectual) ni Agustin.
Dumating ang pagkakataong nahikayat si Agustin sa katotohanan at kaganapan ng mga katangian (excellence of Christian virtue) na ibinigay ng kautusan ng Diyos sa Simbahang Katoliko, ngunit naging suliranin niya ang kahirapan sa pagsasabuhay nito kaya hindi pa niya ito lubos na matanggap.
Nakatulong sa kaniya ang kasamang kaibigan na si Alipius, ang narinig na balita na si Victorinus na isang guro ng makabagong-Platonist ay naging Kristiyano at pagkaraan ay dinalaw sila ng isang kababayang taga-Africa, si Pontitian, ikinuwento na sa kanila ang dalawang naging lingkod ng Panginoon matapos marinig ang Kasaysayan ni San Antonio Abad. At ito ay tumimo sa kalooban ni Agustin at nanariwa sa kaniyang alaala ang kaniyang kabuktutan at pangit na pamumuhay, lalong naghangad ang kalooban ni Agustin sa pagbabago.
Nakita ni Alipius ang kakaibang kilos at pag-uugali ni Agustin na nagpunta sa halamanan, kaya ito ay sinundan niya at naupo sa malayo. May paglalabang nagaganap sa kalooban ni Agustin. Ang tinig ng Espiritu Santo na nag-aanyaya sa kaniya na mamuhay sa kalinisan at ang nakaakit na alaala ng kaniyang dating mga pagkakasala. Kaya lumayo pa ng kaunti at isinubasob ang sarili sa ilalim ng punong-kahoy at umiyak na sinasambit: “Gaano katagal Panginoon?... Ang pagkapoot Mo ba sa akin ay walang hanggan… dati kong kabuktutan huwag ng alalahanin… kalian pa?... Kalian pa?... Bukas pa ba?... Bukas pa ba?... Bakit hindi pa ngayon? Sana ang sandaling ito ay maging wakas na ng aking karumihan.” Habang sinasambit niya ito ay kalakip ang taimtim niyang pagsisisi, at bigla niyang narinig ang tinig ng isang batang umaawit: Tolle legel, Tolle legel. “Kunin mo at basahin mo! Kunin mo at basahin mo”, naaalala niya ang Kasaysayan ni San Antonio Abad na nagsimulang magbagong buhay ng marinig ang isang talata buhat sa Banal na Kasulatan. Kaya dali-dali siyang pumasok, kinuha ang aklat ng liham ni San Pablo sa mga taga-Roma at binasa ang unang nasumpungan ng kaniyang mga mata: “Huwag gugulin ang panahon sa paglalasing at magulong pagsasaya, pagpapakasawa sa pita ng laman at kahalayan, sa alitan at inggitan. Ang Panginoong Hesukristo ang paghariin ninyo sa inyong buhay at huwag ang paglaanan ng laman upang bigyang kasiyahan ang mga nasa nito.” Pinakita niya kay Alipius ang binasa niya, kinuha ng kaibigan ang aklat at binasa nito ang karugtong: “Tanggapin ninyo ang mahihina sa pananampalataya”, at siya ay kinalinga ni Alipius, na nakaunawang iyon ang kataga ng Diyos para sa kaniya. Ang magkaibigan ay nagpasiya ng magbagong buhay, ito ay ibinalita kay Sta. Monica na lubos ang kasiyahan at nagpupuri sa Diyos. “Siya na napangyayari niya ang lahat ng bagay sa kaniyang pamamaraan na hindi natin ninasa o maunawaan.” Noo’y buwan ng Setyembre taong 386, si Agustin ay 32 taong gulang na.
Iniwanan na niya ang pagtuturo noong buwan ng Oktubre at nagpunta siya sa Cassiciacum malapit sa Milan at nanirahan sa isang bahay na ipinahiram ng kaibigang Verecundus. Kasama niya ang inang si Sta. Monica, ang kapatid na si Navigius, ang anak na si Adeodatus, ang kaibigang si Alipius at ang iba pang mga kaibigan at namuhay sila ng sama-sama sa pananalangin at pag-aaral, kalakip ang pagdidisiplina sa sarili, ang pag-aayuno at pagpapakasakit. Kaniyang sinambit sa pananalangin: “Huli na nang ikaw ay aking ibigin. O kagandahang sa pasimula pa at hanggang ngayon ay walang pagkupas, huli na nang ikaw ay aking ibigin. O kagandahang sa pasimula pa at hanggang ngayon ay walang kupas, huli na nang ikaw ay aking ibigin. Ikaw na nasa aking kalooban, ngunit ako’y nasa labas at doo’y hinahanap ka. Sa aking kawalan ng pag-ibig ako ay nalugmok sa magagandang bagay na Iyong nilikha. Sumasaakin ka ngunit ako ay wala sa Iyo. Ang mga nilikhang bagay ang naglayo sa akin sa Iyo, ngunit dahil sa Iyo kaya sila umiiral. Tinawag Mo ako, ikaw ay sumigaw at pinaram ang aking pagkabingi. Nagliwanag ka, nagningning at pinawi ang aking pagkabulag. Inihinga Mo sa akin ang iyong kabanguhan at ngayong aking nalanghap, patuloy kitang hinahanap sa aking paghinga. Ngayong Ikaw ay aking nalasap, ako’y lalong nagutom at nauhaw pa. Hinipo Mo at ngayo’y nag-aalab sa Iyong kapayapaan.”
At nang buwan ng Marso sila ay nagbalik sa Milan upang sumali sa mga naghahandang tumanggap ng sakramento ng Binyag, sa masugid na pagtuturo at pagsubaybay ni San Ambrosio. Kasama ang kaibigang si Alipius at anak na si Adeodatus sila ay tumanggap ng sakramento ng binyag sa gabi ng Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon (Easter Vigil, April 24-25, 387) at sabi niya: “at naglaho na ang mga alalahanin ng lumipas na buhay (Conf. 96, 14).”
Pagkatapos makatanggap ng sakramento ng binyag, nagpasiya sila na umuwi na sa Africa upang doon isabuhay ang pananampalataya. Kaya bago isabuhay ang Agosto umalis sila sa Milan at nahinto sa Ostia sapagkat si Sta. Monica ay nagkasakit at namatay. Pagkatapos mamatay ni Sta. Monica, si Agustin ay bumalik sa Roma upang mamuhay sa katahimikan at sumulat ng aklat, at pagkaraan ay umuwi sa Africa upang isabuhay ang buhay ng pagpapakasakit at pagninilay (monastic and esctic life).
Ngunit noong 391, siya ay nagpunta sa Hippo upang humanap ng matatayuan ng monastery ng kaniyang mga kapatid, ngunit kahit siya ay nag-aatubiling tanggapin, siya ay tumanggap ng banal na Orden ng Pagkapari at binigyan ng pahintulot ng Obispo na ipagpatuloy ang buhay ng katahimikan at ang pagtatalaga bilang Obispo ay naganap noong 395, sabi ng iba ay 396.

Bilang Obispo Hanggang Kamatayan
(From his Episcopate to his Death 396-430)
Ang buhay niya at pamamahala bilang obispo ay punong-puno ng kahanga-hangang gawa sa Kaniyang diyosesis, sa simbahan ng Africa at sa pangkalahatang simbahan.
Ilan sa kaniyang pangkaraniwang ginagawa ay ang pangangaral niya sa Salita ng Diyos dalawang beses isang lingo (tuwing Sabado at Linggo), ang “ardientia episcopi” (ang pakikinig, pag-aaral at pagbibigay kasagutan sa mga usapin), ang pagkalinga sa mga kapus-palad at mga ulila, ang paghubog sa mga pari (ipinamalas niya ang pagiging Ama ngunit nasa lugar-estrikto), ang pagbubuo ng mga monastery para sa mga lalaki at babae, ang pakikilahok sa sibil na kapangyarihan na ayaw niyang panghimasukan at ang pangangalaga ng materyal na kabuhayan ng simbahan.
Siya ay nanungkulan bilang obispo sa loob ng tatlongput-limang taon at sa panahong iyon ay patuloy ang pagtatanggol niya sa mga kumakalaban at nais sumira sa tunay na Aral ng Simbahang Katoliko, sa mga taong ito nasulat ang mga aklat, mga paliwanag, mga liham, mga gawa na naging kanlungan ng Teolohiya. Sa katapusan ng kaniyang buhay ay may bagong naging suliranin sa Europa, ang pagsalakay ng mga Vandals, kaya sa ikatlong buwan ng pagsalakay ng mga Barbarians sa Hippo, si Agustin ay sumakabilang buhay, Agosto 28, 430. Naiwanan ang maraming mga sulat at gawa na hindi tapos. Sa kaniyang higaan ay dinikta ang katapusan ng sulat niya sa mga pari, kung ano ang pamamaraan na dapat gawin sa pagsalakay ng mga Barbarians. At siya ay inilibing sa paraan na sinabi ni Agustin na ginawa niya sa kaniyang ina, si Sta. Monica.

Mga Aklat na Hinalawan sa Kasaysayan ni San Agustin:
1. Bernardo, Angelo di – Patrology, Vol. IV Christian Classic, Inc. Maryland
2. Gugens, William A. – The Faith of the Early Fathers, Vol. III – Liturgical Press, Minnesota
3. Thurston, Herbert J. – Buttler’s Lives of the Saints, Vol. IV – Christian Classic, Inc. Maryland