Ikalimang na Araw
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ikalimang Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
Tumatawag ako sa Iyo, aking Diyos, aking pag-ibig, Ikaw na lumikaha sa akin, at hindi lumimot sa akin, bagaman nilimot Kita. Tinatawag Kita sa aking kaluluwa na inihanda Mo upang tanggapin Ka sa pamamagitan ng pagnanasang ipinunla Mo dito. Huwag Mo akong pabayaan ngayong ako ay dumudulog sa Iyo, sapagkat bago pa man ako tumawag sa Iyo, ako ay inuudyukan ng marami at iba’t ibang salita, upang mula sa kalayuan Ikaw ay aking marinig at ako ay makapagbagong-loob at manawagan sa Iyo gaya ng panawagan Mo sa akin. Siya nawa.