Ikatlong Araw
Pambungad na Panalangin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin kay San Agustin
Panalangin para sa Ikatlong Araw
(Ilagay natin ang ating sarili sa karanasan ni San Agustin at dasalin ang kanyang panalangin.)
Banal na Espiritu, makapangyarihang Patnubay, banal na tagapag-ugnay ng Ama at Anak, pag-asa ng mga nagdurusa, mahal na pananahan. Itanim Mo sa mga naghihinawa naming kaluluwa ang apoy ng Iyong pag-ibig upang lubusan kaming mag-pailalim sa Iyo. Nananalig kami na sa sandaling Manahan Ka sa amin ay ipaghahanda mo rin ng isang tahanan sa amin ang Ama at ang Anak. Kaya nakikiusap kami, halina sa aming piling, halina at kami ay dalisayin. Wala nawang masamang pagnanasa ang makapangayari sa amin. Minamahal Mo ang aba at tinatanggihan ang palalo. Halina sa amin, luwalhati ng mga buhay, pag-asa ng mga namamatay. Patnubayan Mo kami ng Iyong biyaya upang lagi kaming maging kalugod-lugod sa Iyo. Siya nawa.